
SINABI ng mga eksperto na ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa kahit na marami na ang nabakunahan ay hindi dahil sa mga bakuna kundi dahil sa mas nakakahawang variant ng COVID, ang Delta variant.
“The rise in breakthrough infection is not because of waning vaccine efficacy, it is because of the Delta variant,” ayon kay Dr. Edsel Salvana, miyembro ng technical advisory group ng Department of Health (DOH) sa isang briefing sa Palasyo.
“Mataas na mataas pa rin ang efficacy ng lahat ng vaccines against severe COVID-19 and will prevent you from dying due to COVID-19,” dagdag pa ni Salvana.
Mula sa isinagawang pag-aaral ni Dr. Nicanor Austriaco na isang molecular biologist at miyembro ng OCTA Research, natagpuan na ang efficacy rate ng lahat ng mga bakuna kontra COVID-19 ay pumalo sa 97 percent.
“So I would say all the vaccines are incredibly powerful. Any vaccine is better than no vaccine,” pahayag ni Dr. Adriatico, na isa ring pari.
Sa ngayon, mababa sa 1 percent ng mga fully vaccinated kontra COVID-19 ang tinamaan ng sakit. Ito ay batay sa mga datos na nakalap ng pamahalaan.
Ang mga bakunang maaaring gamitin sa bansa ay mula sa Sinovac, Sinopharm, Pfizer-BioNTech, Janssen, Moderna, Sputnik V, Sputnik Light at AstraZeneca.
“All of these vaccines are effective in preventing severe COVID-19 disease and death due to COVID-19 so we should get vaccinated as soon as possible. Any vaccine is better than no vaccine. Otherwise, we put our lives at risk and we will prolong this pandemic,” pahayag ni Adriatico.
Mula kahapon, ika-20 ng Setyembre, nasa mahigit 18 milyong Filipino na ang mga fully vaccinated kontra COVID-19 habang nasa mahigit 22 milyong indibidwal naman ang nakatanggap na ng unang dose ng bakuna.
Bakuna, walang kinalaman sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa
Source: Bullet News Viral
0 Comments