Share this information:

PUMAYAG na ang mga may-ari ng mga mall sa Metro Manila na palawigin ang oras ng pagbubukas nito sa papalapit na holiday season.

Ayon iyan kay MMDA Chairman Benhur Abalos bunsod na rin ng pagdami ng mga sasakyang bumibiyahe sa EDSA na inaasahang magdudulot ng pagbibigat ng daloy ng trapiko.

Gayunman, sinabi ni Abalos na nababahala ang ilang mall operators sa pinaiiral na curfew at limitadong kapasidad sa mga pampublikong sasakyan.

Pero nabatid din kay Abalos na may resulta na ng botohan ng mga alkalde sa Metro Manila hinggil sa curfew at mailalabas ang resolusyon hinggil dito sa susunod na mga araw.


Oras ng operasyon ng mga mall, palalawigin ngayong holiday season
Source: Bullet News Viral