Share this information:

PINASINAYAAN kamakailan ang mga bagong market stalls sa New Hermosa Public Market na matatagpuan sa Brgy. Palihan, Hermosa, Bataan.

Ang pagpapasinaya ay dinaluhan ng mga matataas na opisyal ng Hermosa local government unit (LGU).

Ang nasabing proyekto ay naitayo mula sa pondong inilaan ng Hermosa LGU at hindi nagmula sa anumang utang o loan.

Ayon kay Hermosa Mayor Jopet Inton, karagdagang local income ito na dideretso sa kabang bayan ng Hermosa na magmumula sa mga ibabayad na upa ng mga magiging tenants nito.

Ang New Hermosa Public Market ay naitayo noong panahon ng namayapang si dating Hermosa Mayor Efren Cruz kung saan ang pondo ay nagmula sa isang loan sa bangko. 

Bukod kay Hermosa Mayor Inton, dumalo din ang mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Hermosa, mga local government at barangay officials. Binasbasan naman ang pasilidad sa pangunguna ni Rev. Fr. Jesus Navoa.


Bagong market stalls sa New Hermosa Public Market, binuksan na
Source: Bullet News Viral