
INAASAHAN na ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., na makaka-kumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19 ang hindi bababa sa walumpu’t-limang porsyento ng populasyon sa National Capital Region sa susunod na buwan.
Maliban dito, hahabol din aniya kahit hanggang limampung porsyento ang fully vaccinated rate sa iba pang malalaking lungsod sa bansa.
Sa kanyang ulat kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ni Galvez na humahabol na rin ang ibang mga lalawigan sa bansa sa antas ng nababakunahan sa Metro Manila sa gitna ng patuloy na pagdating ng suplay ng mga bakuna.
Sa ngayon ay nasa 86-porsyento ng eligible na mga residente sa Metro Manila ang nakatanggap na ng unang dose habang 71.86% ang fully vaccinated.
Bago aniya matapos ang Oktubre ay inaasahan ang delivery ng 100-milyong doses ng bakuna kontra COVID-19, at makakapagturok ng 55 milyong doses sa loob ng susunod na buwan.
Iyan ay dahil target na itaas pa sa 500,000 hanggang 800,000 doses kada araw ang maibigay sa kuwalipikadong populasyon.
Mahigit 85% ng populasyon sa Metro Manila, target sa COVID-19 full vaccination sa Oktubre
Source: Bullet News Viral
0 Comments