
DINUMOG ng mga senior citizens ang pamamahagi ng kanilang monthly allowamce sa Delpan Sports Complex sa Tondo, Maynila.
Bagaman may mga tauhan ng Manila LGU at barangay, naging mahirap ang pagkontrol sa pila kung saan hindi na inalintana ng mga pumila ang posibleng hawaan sa sakit dulot ng COVID-19.
Ang mga senior citizens sa lungsod ay makakatanggap ng buwanang pensiyon na halagang P500.00 kada buwan.
Ang pila ay umabot sa labas ng complex na hindi na rin nasunod ang iba pang health protocols.
Sinisikap naman ng mga opisyal ng barangay at Manila LGU na maipatupad ng maayos ang health protocol upang sa gayon ay hindi maging super spreader ang nasabing aktibidad.
Napag-alaman din na iisa lang ang daanan papasok at palabas kaya’t nagsisiksikan ang mga matatanda na gustong makuha ang tatlong buwan nilang allowance na nagkakahalaga ng P1,500.00.
(PHOTO CREDIT: news.abs-cbn.com)
Pamamahagi ng monthly allowance ng senior citizen sa Maynila, dinagsa
Source: Bullet News Viral
0 Comments